Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang papanatilihing buhay magpakailan man walang munti mang pagbabago sa maging labis man o kulang kahi't mali mang nakikita. Ni isang titik ni isang kuwit-maliban na nga lamang kung hindi maiwasan dahil sa makapangyarihang atas ng panibagong alituntunin sa pagsulat.